Practical Tipid Tips for Every Pinoy

Practical Tipid Tips for Every Pinoy
 
Saving is fun once you fully understand its purpose. For me, being “Kuripot” is a great compliment because that’s how I want others to define me. It’s the new coolest thing! Here are some practical saving tips that you can apply for yourself and your family too. Some of them are old-school but I’m sure they are still effective…

 

Heto ang mga ginagawa ko ngayon. Lifestyle kasi yan at mindset:

 

 

1. Baunin ang tissue ng KFC dahil mas mahal ang Kleenex. Mainam ding pang-wipe ng printer ink na natapon ‘pag nag-refill.

 

 
2. Humingi ng madaming ketchup ng McDo kahit walang french fries. Masarap ketchup nila. Or magpa-takeout kasi parang 2 yrs na ata akong ‘di nag-McDo. Sa trabaho ko, libre merienda.
 
 
 
3. Mangolekta ng flyers para gawing scratch papers ang likod. ‘Yung glossy ay gawing bookmarkers at pangscrap book at pamaypay ng anak niyo. At pera-perahan nila (playmoney). Pwede ring pambalot ng regalo. Promote environmentalism!!!
 
 
4. Tumawag muna sa lahat ng department store/hardware store/appliance store para magcanvass ng presyo ng mga gamit bago pumunta doon. Tipid sa pamasahe at sa oras. Magpareserve sa pinakamura.
 
 
5. Umupa/Kumuha ng bahay malapit sa palengke, simbahan, ospital, bangko, mall, munisipyo.
 

a. Mura ang tahong, dilis, isda, tuyo, gulay, bigas sa palengke.

 

b.Walking distance lahat sa akin pati simbahan at ospital.

 

c. ‘Pag katabi mo ang mall, di ka na maa-addict magmall. As in magkukulong ka na lng siguro tulad ko. Araw-araw mo ba namang madaanan. Nakakasuya ding lagi mong nakikita sila.

 

 d. Taposin ang business permit in 1 day mga January 2 or 3 dapat para walang pila at wala pang extra requirements na maiisip lang nila along the way… 
 

6. Kontakin lahat ng bangko at itanong ang pinaka-magandang time deposit rates nila. I-search sa net pati sa directory.

 

 

7. Magcanvass ng mga schools para sa anak mo.

 

 

8. Manood ng cooking shows para magkaidea kung paano magluto ng masarap kahit hindi kumain sa labas. Although ‘di ako mahilig magluto. Nagkaka-idea lang ako kung paano papasarapin ang mga normal na pagkain.

 

 

9. Mag-tiramisu kapag mura ang mangga at avocado.

 

 

10. Mag ice-cream pag buy one take one na.

 

 

11. Mag-ham after ng Pasko at Bagong Taon. May buy one take one.

 

 

12. Huwag bumili ng tuyo kapag malapit na ang Mahal na Araw.

 

 

13. Makipagmeet sa National Bookstore kung may ka-meeting at magbasa-basa muna ng mga business books o self-help books.

 

 

14. Huwag mimintis sa BIR mahal ang penalty.

 

 

15. Hanapin ang balita sa net. Mahal ang dyaryo.

 

 

16. Maglakad ng isang kanto para ang 11 pesos na pamasahe sa tricycle ay 10 pesos na lang.

 

 

17. Turuan ang anak mula 1 yr old pa lang na masama ang hotdog, junkfood at mavetsin sa kanya. So no choice na magtuturo ng kung anu-ano sa supermarket. Chocolates at ice cream lang pwede..hehehe. Di ba wise idea?

 

 

18. I-advance payment ang mga bayad sa iyo kung may negosyo ka na applicable ito. May iba pa ring hindi gagawa nito.

 

 

19. Turuang maghugas ng kamay nang tama ang anak. Mahal ang ospital.

 

 

20. Maglagay sa Mutual Fund o UITF kapag biglang magkapera na hindi inaasahan at extra money mo lang ito kung iisipin.

 

 

21. Huminga ng malalim kapag natetempt bumili ng kung anu-anong bagong damit, gadget, etc.

 
22. Turuang mag-CR ang anak bago matulog. Mahal ang pampers at magpalaba ng comforter. Mahal din ang bagong kutson.
 

 

23. Sumali ng paluwagan at dapat sa unahan para matime-deposit ang pera. Yung interest ay part ng panghulog mo.

 

 

24. Magka-checking account na may 3.5% interest at gawin mo na lang na savings account. Wala pang problemang pondohan ng pondohan. Sayang pamasahe.

 

 

25. Mag-white or black shirt. Di halata pag nauulit. Kaysa bumili ng de color na grabeng eye-catching ang design. If ever, de-color simple lang dapat.

 

 

26. Huwag/iwasang mag-smoke o uminom ng alak. Mahal ang yosi at alak. Mahal din ang gamot at oxygen tank.

 

 

27. I-check kung namemaintain ang mga deposits sa bangko. Mahal ang penalty. 150 yung sa akin.

 

 

28. Maging maingat sa gamit. Mahal ang bags.

 

 

29. Labhan ng maayos ang damit. Isampay kaagad. Hindi na kailangang plantsahin. Promise. 5 yrs na akong di nagpaplantsa. Bumili rin ng damit na hindi lukutin.

 

 

31. Umattend ng mga free seminars. Lapitan ang guest speaker at magtanong nang magtanong. May mga mababait naman at willing talagang magshare ng ideas nila.

 

 

32. Wag tumaya ng lotto. Ang liit-liit ng chance.

 

 

33. Maging magalang sa lahat ng tao.

 

 

a. Makaka-discount ka sa palengke. May dagdag pa sa suki.

 

b. Mapapadali ang pag-aayos ng mga dokumento kahit sa BIR or munisipyo pa…magsungit ka…

 

masusungitan ka rin. Umayos ka at matatatakan ang dokumento mo ng hindi oras…hehe

 

c. Sa bangko, mabibigyan ka ng reconsideration sa mga rates.

 

d. Sa grocery, tutulungan kang magbuhat ng pinamili mo.

 

e. Sa tagaputol ng linya ng tubig (na di mo napansin na deadline na pala, dahil nagbakasyun ka at ‘di nakapagonline banking), hihintayin kang magbayad at babalikan ka na lang to get the OR number.

 

 

34. Wag bumili sa bungad ng Divisoria. Mas makakamura ka kapag sa pwesto na hindi masyadong matao. 

 

 

35. Magbasa ng mga personal finance blogs. Marami kang mapupulot. 

 

 

36. Makipag-kaibigan. Marami silang magandang advice. 

 

 

 


1 thought on “Practical Tipid Tips for Every Pinoy”

  • this is really practical bro. very helpful! tnx a lot! keep up the good work and keep sharing ur knowledge. more power and God bless! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *